Tuesday, November 5, 2013

Mga Patakarang pangkabuhayan na nag dulot ng transportasyon sa mga Pilipino

Binuwag ng mga Español ang kaayusang pang-ekonomiya ng mga sinaunang Pilipino. Sanhi ito ng makasariling motibasyon sa pananakop ng mga Español. Samantala, Ang mga kolonyalistang Español ay busog na busog sa pinagpaguran at kayamanan ng mga Pilipino.

Ang mga Pilipino ay nagtanim ng mga kalakal na kailangan ng España at mga Español. Sa halip na mag tanim ng mga produktong agrikultura na pagkain tulad ng palay at mais, ang mga Pilipino ay nagtanim ng tabako at iba pang pananim na kailangan ng España sa pamamagitan ng Monopolyo ng Tabako, bandala, at tributo. pinutol din ng Español ang pagiging sentro ng kalakalan ng Pilipinas sa Asya. Hinadlangan din ang malayang pangangalakal lalo na sa pagitan ng Pilipinas at ng mga karatig-lugar sa ASya ng kalakalang Galleon.

No comments:

Post a Comment