Ang bandala ay ang sapilitang pagbenta ng ilang produkto tulad ng bigas at langis ng niyog sa pamahalaan. Ang pampanga ang nanguna sa mga nakaranas ng eksploytasyong dulot ng bandala. Sa pagpapatupad ng sistemang bandala, naging kahulugan nito ang sapilitang pagsamsam ng pamagalaan sa mga kalakal. Madalas kasing hindi nagbabayad ang pamahalaan sa mga produktong binibili nila sa mga Pilipino.
Tanging promissory note o kapirasong papel ng pangakong pagbabayad sa binili. Kalakal ang palaging naiiwan sa magsasaka, Sa pampanga pa lamang, tinatayang nasa 70,000 ang pagkautang ng pamahalaan sa mga produktong bigas na kinuha nito sa mga Pilipino. oong 1660, umakyat pa sa 200,000 ang naturang pagkautang, Dahil sa hindi pagbabayad ng pamahalaan, Ang mga kampangan ay nagpasyang huwag lamang magtanim ng palay sapagkat wala naman silang naging nagiging pakinabang nito.
No comments:
Post a Comment