Tuesday, November 5, 2013

Blog

Ang Tributo

Labis-labis ang sapilitang pagbuwis ng ipinataw ng mga Español sa mga Pilipino.Ang Tributo ang tawag sa pangkalahatang buwis na ipinataw ng mga Español a mga Pilipino. Ang paniningil nito ay nagsimula pa noong panahon ng sistemang encomienda. Ang lahat ng Pilipinong lalaki na mula 19 hanggang 60 taong gulang ay may obligasyong mahbayad ng 8 reales na buwis sa bawat taon noong 1589, itinaas ito sa 10 reales at noong 1851 sa 12 reales ang katumbas ng isang real noong ay 12 1/2 sentimos

Ang Bandala

Ang bandala ay ang sapilitang pagbenta ng ilang produkto tulad ng bigas at langis ng niyog sa pamahalaan. Ang pampanga ang nanguna sa mga nakaranas ng eksploytasyong dulot ng bandala. Sa pagpapatupad ng sistemang bandala, naging kahulugan nito ang sapilitang pagsamsam ng pamagalaan sa mga kalakal. Madalas kasing hindi nagbabayad ang pamahalaan sa mga produktong binibili nila sa mga Pilipino.

Tanging promissory note o kapirasong papel ng pangakong pagbabayad sa binili. Kalakal ang palaging naiiwan sa magsasaka, Sa pampanga pa lamang, tinatayang nasa 70,000 ang pagkautang ng pamahalaan sa mga produktong bigas na kinuha nito sa mga Pilipino. oong 1660, umakyat pa sa 200,000 ang naturang pagkautang, Dahil sa hindi pagbabayad ng pamahalaan, Ang mga kampangan ay nagpasyang huwag lamang magtanim ng palay sapagkat wala naman silang naging nagiging pakinabang nito.

Ang kalakalang Galleon

Ang pagsunod ng España sa pilosopiya ng merkantilismo ay sinimbolo ng kalakalang Galleon. Tanging isang barko sa bawat taon ang dumarating ng Maynila na nagdadala ng mga kalakal ng kanluran sa Pilipinas. Karaniwang tumatagal nang mahigit kumulang na 200 araw ang paglalakbay ng Galleon sa buong pag-ikot nito.

Ang kalakalang Galleon ay tinatawag ding kalakalang MAnila-Acapulco.Higit itong dapat tawaging Tsina-Acapulco dahil wala naman halos kalakal ang ng Pilipinas na isinasakay ang mga barkong Galleon.

Ang Monopolyo ng Tabako 

Si Jose Basco y Vergas ay isa sa mangilan-ngilang gobernador Heneral sa may mabuting hangarin sa kapakanan ng kolonya. Layunin din niyang kundi man tuluyang matanggal ay mabawasan ang labis na pagsandal ng ekonomiya ng Pilipinas sa kalakalang Galleon. Kung mangyayari ang nabanggit, magreresulta ito sa paglaya sa palagiang pagsandal ng Pilipinas sa tulong na nagmula sa Mexico.

BIlang pagtupad sa mga naturang layunin, pinasimulan ang pag-aaral sa pagpapalwak ng ilang kalakal ng bansa tulad ng seda, bulak, tabako, panrekado, at tubo. Hinangad din ni Basco na mapaunlad ang likas-yaman ng Pilipinas upang maging batayan ng programa sa pagluluwas ng kalakal. Noong 1781, itinatag ang sociedad Economica de los Amigos del Pais (Economic society of the friends of the Country) na nagsilbing pangunahing kasangkapan sa paglaganap ng siyentipikong kaalaman sa agrikultura at industriya.

Mga Patakarang pangkabuhayan na nag dulot ng transportasyon sa mga Pilipino

Binuwag ng mga Español ang kaayusang pang-ekonomiya ng mga sinaunang Pilipino. Sanhi ito ng makasariling motibasyon sa pananakop ng mga Español. Samantala, Ang mga kolonyalistang Español ay busog na busog sa pinagpaguran at kayamanan ng mga Pilipino.

Ang mga Pilipino ay nagtanim ng mga kalakal na kailangan ng España at mga Español. Sa halip na mag tanim ng mga produktong agrikultura na pagkain tulad ng palay at mais, ang mga Pilipino ay nagtanim ng tabako at iba pang pananim na kailangan ng España sa pamamagitan ng Monopolyo ng Tabako, bandala, at tributo. pinutol din ng Español ang pagiging sentro ng kalakalan ng Pilipinas sa Asya. Hinadlangan din ang malayang pangangalakal lalo na sa pagitan ng Pilipinas at ng mga karatig-lugar sa Asya ng kalakalang Galleon.

No comments:

Post a Comment